PINAKAMALUPIT NA GABAY SA NBM, Artikulo 2: Sumali Sa Aming Discord at Manalo

NFT Battle Miners
5 min readOct 7, 2021

Sa mga serye ng maliliit na artikulo, mabilis nyong matutunan ang lahat ng mga kailangan nyong malaman sa proyektong NFT Battle Miners (NBM), isa sa pinaka komprehensibo at pinaka nakakagulat na NFT na laro!

Kung hindi nyo pa nababasa ang unang artikulo namin, Artikulo 1: Simulan natin sa simula! — ay minumungkahi kong basahin nyo muna yun. Kung nakasali na kayo sa discord at na-i-link nyo na ung discord nyo sa wax wallet nyo at aktibo na din kayo sa discord, maaari nyo nang lagpasan itong artikulong to at basahin ang pangatlong artikulo, Aktibong baraha, ang mga pangunahing kaalaman. Kung nahihirapan kayong intindihin ang naunang pangungusap, ang ikalawang artikulo na to ay sinulat para sayo!

Sa karaniwan, ang koponan ng NBM ay may hanggang 15 na tumatakbong palaro sa kanilang discord server. Para mapalaki ang tyansa nyong manalo sa isa sa mga yun, itong ikalawang kabanata ang gagabay sa inyo kung pano sumali sa kanilang discord at maging opisyal na minero.

Una, siguraduhing meron kayong wax account, kung wala pa ay basahin nyo itong artikulo na to para matuto kayong gumawa ng libreng wax account.

Pangalawa, sumali sa discord server namin. Pag nakasali na kayo ay makakakuha kayo ng 2 abiso sa kaliwang bahagi ng sidebar. Piliin nyo muna ang unang abiso at i-click ang ‘click me to verify!’.

(Kailangang gawin ang hinihingi ng ‘Double Counter’ para sa proteksyon ng lahat)

Ang prosesong ito at awtomatiko at tatagal lang ito ng ilang segundo. Pagkatapos, ay i-click ang pangalawang abiso at ilagay lang ang tamang captha na lumabas. Pag hindi nyo mabasa ang captcha o code, pwede kayong humingi ng audio code (magsasalita ang robot at sasabihin sa inyo ang dapat nyong ilagay na code) (iba ito sa imahe sa baba).

(Kailangang nyo ding gawin ang hinihingi ng ‘Manual verification process’ para sa proteksyon ng lahat)

Congrats! Malapit ka nang matapos! Ngayon ay kailangan mo naman na i-link ang Wax account mo. Ang pag-link ng wax account mo sa discord namin ay para mapayagan kang:

● Mabuksan ang iba pang mga giveaways

● Makuha ang premyo diretso sa inyong wax wallet

● Maging beripikadong minero

Para ma-link ang Wax wallet nyo sa discord:

● Pumunta sa bot-commands na channel at isulat ang .honeycomb (kasama ung dot/period).

● Dapat ay may bubukas na bintana at lalabas dun ang mga tagubilin (instructions). Kung wala ka pang pag ma-may-ari na honeycomb NFT, puntahan mo ang section 1 at i-click ang ‘drop link’.

● Ikaw ay mapupunta sa website ng honeycomb. Kailangan mong i-click ang Login at tanggapin ang GCU. pag naka logged in ka na, kailangan mong bumili ng honeycomb NFT sa halagang 0.25 WAX:

● Pagkatapos, kailangan mong bumalik sa discord ng NBM at isulat uli ang .honeycomb sa bot-commands channel. At sa section 2 ng help na mensahe na to, kailangan mong i-click ang ‘this link’.

● Mapupunta ka naman ngayon sa website ng Atomic Hub. Kailangang mong mag-login at tanggapin ang transaksyon sa pamamagitan ng pag-click ng ‘send Transfer’:

● Kumpirmahin ang transaksyon at maghintay ng ilang segundo (ang buong proseso ay pwedeng tumagal ng hanggang 3 minuto). Sa wakas, pumunta ka uli sa bot-commands channel (sa discord) at isulat ang: .wallets add ‘ang wax address mo’.

Congrats! Ang proseso ng pag-link ng Wax address mo ay tapos na. Ang palayaw mo ay dapat maging kulay asul na.

IMPORTANTE: wag na wag mong buburahin ang .wallet na mensahe mo sa bot-commands channel dahil ang mensahe na ito ay ang tanging koneksyon sa pagitan ng Wax wallet mo at ng account mo sa discord.

Ang pinakahuling hakbang ay nakuha ang aktibong tungkulin (Active role), ibig sabihin, kailangan mong umabot ng level 5 sa discord namin. Para dun, kailangan mo lang makipag usap sa mga kapwa mo minero (kung maaari ay gawin mo ito sa general chat channel, pero wag kang magsulat ng kung ano ano lang). Ang pagkamit ng aktibong katayuan (Active status) ay madalas inaabot lang ng kaunting oras at nagbubukas ito ng mas madaming features, tulad ng mas madaming giveaways at premium na access sa mga natatanging paligsahan.

Ngayon, handang-handa ka nang manalo ng una mong NBM NFT! Tala: kung gusto mong malaman ang ranggo mo, pumunta ka lang sa bot-commands channel at isulat ang !rank.

Katapusan, isang payong kaibigan: dito sa NBM, seryoso kami sa paghanap at pagppigil sa mga manlalaro na may sobra sa isang account o gumagamit ng bot. Ginagawa namin ito para masiguro na lahat ng myembro ay may pantay pantay na tsansa sa i) makapanalo ng libreng NFT, ii) makabili ng mga pakete sa pinaka murang halaga, at iii) manalo ng mga librang token, gumagamit kami ng mga makabagong hakbang gamit ang mga bot at tulong ng mga myembro ng komunindan para lagi naming ma-monitor ang kalusugan at kaayusan ng aming discord. Lahat ng mandaraya ay permanenteng pinagbabawalan na makasali pa sa anumang aktibidades sa NBM and naka blacklist na din sila sa iba pang proyekto na nakaugnay sa NBM. Dagdag pa, para masigurado ang pinakamataas na pagkakapantay-pantay pag may mga giveaways/palaro/pakontes, lahat ng mananalo ay makakatanggap ng premyo mano-mano. May taong mag aabot mismo sa inyo ng premyo nyo para masigurado na patas ang laban. Kaya maging patas tayo sa pakikipaglaro sa iba at enjoyin natin ang karanasan na ito ng magkasama :)

Inaasahan namin na makita uli kayo sa Artikulo 3, kung saan malalaman nyo kung pano basahin ang mga istatistika sa mga Aktibong baraha (Active cards) at kung pano nyo mas magagamit ang mga iyon para manalo ng libreng NBM token o NFT.

Ang inyong koponan ng NBM

<Nakaraang Artikulo ; Bumalik sa Talaan ; Susunod na Artikulo>

--

--

NFT Battle Miners

NFT Battle Miners is the best 3D metaverse and PVP game in the WAX blockchain!