PINAKAMALUPIT NA GABAY SA NBM, Artikulo 3: Aktibong baraha, ang mga pangunahing kaalaman!

NFT Battle Miners
3 min readOct 7, 2021

Kumusta Mga Kasamahang Minero!

Sa pagbasa ng aming Artikulo 1 at Artikulo 2, malamang ay handa na kayo ngayon, alam nyo na ang pinagkaiba ng sticker at mga Aktibong baraha (Active cards) at, sana ay nanalo na din kayo ng inyong unang giveaways!

Oras na para galugarin natin and kaibuturan ng mekanismo at ang puso ng larong NBM, ang Aktibong baraha!

(Paalala: ang mga Aktibong baraha ang mga NFTs na kailangan nyo para malaro ang NBM). Kaya… halika na!

Ang una nyong kailangang malaman: Sa larong NBM, pwede kayong magmina o lumaban.

Ang Pagmimina: sa bawat beses na magmina kayo ay makakakuha kayo ng kayamanan at… may pagkakataon din kayong makakuha (manalo) ng ala-swerteng (random) NFT. Sa Pakikipaglaban: may mga partikular na kalaban kayong makakahapap. Pag mas malakas ang NFT nyo kumpara sa kalaban nyo, ay panalo kayo.

Ang pagmimina / pakikipaglaban na aspeto ay nakaasa halos sa mga Aktibong baraha. Ang tipo ng baraha na to ay laging may 6 na pangunahing katangian (main attributes). Hatiin natin sila sa 3 kategorya. Pula: Player versus Player (PvP) na laban. Asul: pagmimina. Berde: antas (level) at kasalatan (rarity).

POWER: kung ilang pinsala ang magagawa ng NFT na ito sa kalaban mo sa PvP (mas mataas ay mas maganda|).

ENERGY: ang gastos para magamit mo ang NFT na to sa PvP (mas mababa ay mas maganda!).

NFT MINING BOOST: isang pampalakas na nagdadagdag ng mg tsansa na makakuha ng NFT pag nagmina ka.

RESOURCE MINING BOOST: isang pampalakas na nagdadagdag ng nakukuhang kayamanan pag nagmina ka.

Ang representasyon ng lahat ng posibleng kombinasyon sa pagitang ng Kasalatan (rarity) at Level para sa isang nahihilig na NFT (ang posibilidad na makakuha ng Kasalatan/Level ay nakatakda din)

RARITY GRADE: bawat isang baraha may may sari-sariling kasalatan (rarity), mula sa Common hanggang Ultimate.

LEVEL: bawat NFT, kahit ano man ang tunay na kasalatan (intrinseque rarity) nito ay may sarili pa itong level na sumasaklaw mula sa 1 hanggang 5.

Simplehan natin: mas pambihira (rarer) ang NFT, mas malakas ito. At sa loob ng sukatan ng kasalatan (rarity scale) nito, mas mataas na level ay ibig sabihin, mas malakas na katangian (attributes).

Talaga, sa daigdig ng NBM, posibleng maglevel up ang inyong mga NFTs, ibig sabihin ay mas lumakas pa sila. Sa unang tingin, para sa isang NFT, ang level up ay mag tataas ng lakas (Power), pagbaba ng enerhiya (Energy) o pagtaas ng kakayahan nito sa pagmimina (dagdag ng mamimina na kayamanan [resources] o mas mataas na tsansya na makakamina ng mga bagong NFT).

Pero, wag magmadali! Paguusapan natin ang lahat ng tungkol sa pag level up sa isa pang kabanata. Lagi lang tatandaan na kahit anong kasalatan (rarity) na makuha nyo, pwede nyo laging palakasin ang NFT nyo para mas mapagbuti nyo ang inyong istratehiya.

Ngayong nasabi ko na yan, oras na para matutunan nyo ang pinaka nakapupukaw na parte ng larong NBM: ang mga Lupain at Konstruksyon! Kaya halika na at pumunta na tayo sa Artikulo 4. Lupain at Konstruksyon, ang mga pangunahing kaalaman! para maintindihan nyo kung pano gumagana ang mga baraha na yun at pano mas magamit sila para mas makapanalo ka ng mga premyo.

Ang inyong koponan ng NBM

<Nakaraang Artikulo ; Bumalik sa Talaan ; Susunod na Artikulo>

--

--

NFT Battle Miners
NFT Battle Miners

Written by NFT Battle Miners

NFT Battle Miners: Your Portal to Arcadia! Mine, explore, and fight... the choice is yours!

No responses yet