PINAKAMALUPIT NA GABAY SA NBM, Artikulo 4. Lupain at Konstruksyon, ang mga pangunahing kaalaman!
Maligayang Pagbabalik mga Minero!
Oras na para silipin natin ang mga Lupain (Land Cards) at barahang pang Konstruksyon (Construction Cards), isa sa pinakanakakahumaling na aspeto ng larong NBM. (kung bago ka pa lang, pakibasa muna ang ating Artikulo 1).
Simulan natin sa mga Lupain:
Ang mga Lupain ay parte ng mundo kung saan ang mga manlalaro ay pwedeng mag mina. Pareho ito sa mga Aktibong baraha (Active cards), bawat isang Lupain ay may nakalagay na Level (LVL) at kasalatan (Rarity) (GRD) pati natin Resource Mining Boost (RESM) at ang NFT Mining Boost (NFTM). Ngunit, bawat isang Lupain ay merong `laki` (size) pati na din pangunahing kayamanan (resource) na pwedeng makuha sa paggamit ng Aktibong baraha (paguusapan natin ang mga tungkol sa kayamanan sa susunod na artikulo).
Ang Laki ng Lupain (Land size): isang sukatan na nagpapahiwatig kung ilang Aktibong baraha o barahang pang Konstruksyon ang pwedeng ilagay sa isang partikular na Lupain. Ang Laki ay parang likhang mga lalagyan (virtual slots) kung saan ang manlalaro ay pwedeng ilagay ang kanilang mga ari arian mula sa NBM. Halimbawa, ang Floating Island na Lupain ay may Laking 3, ibig sabihin ay hanggang 3 NFTs ang pwedeng ilagay sa Lupain na ito para makakuha ng mga kayamanan mula dito. Tulad ng nakita natin sa nakaraang Artikulo, malalakas na Aktibong baraha ay mas makakakuha ng mas madaming kayamanan kesa sa mas mahihinang baraha.
Dagdag pa dito, ang Level at Kasalatan ng bawat Lupain at nakaka impluwensya sa RESM, NFTM, Laki at iba’t ibang kayaman na pwedeng makuha dito. Halimbawa:
Pinakamalupit na Lupain (Ultimate Lands): ay madalas na may Laki na 4 at ang dagdag (boost) nito ay malapit sa 10.
Pangkaraniwang Lupain (Common Lands): ay meron lang na Laki na 3 at ang dagdag (boost) nito ay mas mababa sa 3.
Isa pa, sa mga pinakapambihirang Lupain (rarest Lands), iba’t ibang uri ng kayamanan ang pwedeng mamina dito pero sa mga pangkaraniwan na Lupain, isa lang na uri ng kayamanan ang pwedeng ma mina.
Panghuli, dahil sa kakulangan ng laki ng mga Lupain, ang manlalaro ay pwede lang magmina sa sarili nyang Lupain. Yun nga lang, may mga pampublikong Lupaing pwedeng minahin ng mga bagong manlalaro (matutunan nyo sa mga susunod na seksyon na ang pampublikong minahan ay pwedeng nang magamit ngayon!).
Barahang pang Konstruksyon:
Sa pinakasimple, ang mga barahang pang Konstruksyon ay may parehong katangian (Level, Kasalatan, Laki, etc) tulad ng mga Lupain na baraha. Pero, sila ay ginagamit para pataasin ang istatistika ng mga Lupain.
Sa mga sumusunod na halimbawa, makikita nating ang Lupaing ‘Ultimate deep mine’ ay may Laki na 4, at may posibilidad na magmina ng 3 magkakaibang kayamanan. Pag nilaro natin ang barahang pang Konstruksyon na ‘Epic mining facility’ sa Lupain na ito, ang unang slot ay magagamit na. Pero, parehong dadagdag ang ‘dagdag sa pagmimina ng konstruction’ (construction mining boost) (RESM 4 at NFTM 5) sa istatistika ng Lupain habang ang produksyon ng kayamanan ng ‘Fusium’ ay magkakaron din ng dagdag na bonus na 13%. Isa pa, dahil ang barahang pang Konstruction ay may sariling Laki (2), dalawang dagdag na slot ang madadagdag sa Lupain. Kaya, ang barahang pang Konstruksuon ay malakas na kagamitan na magpapalakas sa istatistika ng mga Lupain.
Huli na, laging isa-isip na pag pinapalakas nyo ang istratehiya nyo sa laro, isang barahang pangKonstruksyon lang ang mayroon sa bawat 4 na Lupain na magagawa (meron na 4000/15000 Konstruksyon/Lupain na nagawa sa simula). At hindi lang un, hindi lahat ng ‘Lupain — Aktibo — Konstruksyon’ na baraha at magkasundo. Nasa manlalaro na para malaman nila ang mga natatanging kombinasyon at ang pinakamagandang paraan para masulit ang mga kombinasyon.
Ngayong nasabi ko na yan, oras na para tingnan natin ang iba’t ibang kayaman sa NBM at ang pinaka mabuting paraan para makolekta ang mga ito.
Ang inyong koponan ng NBM
<Nakaraang Artikulo ; Bumalik sa Talaan ; Susunod na Artikulo>