PINAKAMALUPIT NA GABAY SA NBM, Artikulo 6: Mumunting mga Palaro (mini-games): maglaro at kumita!

NFT Battle Miners
6 min readOct 7, 2021

Mga kapwa minero, oras na para mag mina ng mga kayamanan!

Sa artikulong ito, bubusisiin natin ang mga iba’t ibang paraan para maglaro at makakuha ng mga kayamanan gamit ang ating mga ari-arian sa NBM. Pero bago yun: para ka makapaglaro at kailangan mo ng isa o mahigit pa na Aktibong baraha (Active card). Pag wala ka pa nun, pwede kang manalo sa mga palaro sa discord server namin or kaya ay tingnan mo ang Atomic hub marketplace para makahanap ka ng mga magandang oportunidad na makakita ng mura at magandang mga baraha.

Kung di mo pa alam kung ano ang mga Aktibong baraha, kung pwede ay magsimula ka sa aming unang Artikulo.

Ang lahat ng mga mumunting mga palaro at mga iba’t ibang uri ng pagmimina ay makikita sa website ng NFT Battle Miners. Sa unang tingin pa lang sa sekyon ng mga palaro, makikita mo na may may iba’t ibang uri ng mga mumunting palaro sa pwede mong salihan.

Ang NBM Mining Grid:

Ito ang pinaka unang pampublikong minahan, Sa larong ito (isipin mong ito ay isang napakalaking roleta) na nagaganap sa isang parilya (grid) na ang laki ay 300 na posibleng sangay ng lupa (plots) (15x20) na kung saan ang bawat posisyon ay may numero mula 0 hanggang 299. Para makapagmina ka, kailangan mo lang ilagay ang iyong mga Aktibong baraha sa mga parikular na numero. Pwede kang maglagay ng hanggang ilan na gusto mong Aktibong baaraha. At… yun na yun! Ang laro na ang bahala sa lahat.

Sa dulo ng bawat oras, may ala-swerte (random) na dami ng kayamanan (madalas ay sobrang liit) na ilalagay sa bawat isang sangay ng lupa. Ang iyong Aktibong baraha ay pwedeng magmina ng dami ng kayamanan sa sangay ng lupa kung saan mo ito pinosisyon. Ang iyong gantimpala ay depende sa laki ng Resource mining boost (RESM) ng iyong NFT at imumultiplika nung ang dami ng kayamanan na nakalaan sa sangay ng lupa kung san mo nilagay ang baraha mo (REST times the amount of resources allocated to the plot). Halimbawa, kung ang RESM ng NFT mo ay 10 at, sa dulo ng isang oras, ang dami ng kayamanan na nakalaan sa sangay ng lupa mo ay 0.5, makakapag mina ka ng 5 tokens (10*0.5).

Ang Ganitong proseso ng pagmimina ay may kasamang mga ganitong nakakapukaw na panuntunan:

● Espesyal na panalo: sa dulo ng bawat pag-ikot, 10 na ala-swerte na selda (cells) ang maglalaman ng mas madaming kayamanan kumpara sa ibang selda (maliit na panalo, asul na kulay sa paligid ng selda). Dagdag pa dito, 5 na ala-swerteng selda ang maglalaman ng mas madaming laman na kayamanan (malaking panalo, berde na kulay sa paligid ng selda) at 2 selda naman ang maglalalaman ng sobrang laki na kayamanan (jackpot!).

● Sa tuwing ikalawang laro, isang ala-swerteng manlalaro ang makakakuha ng Piraso ng pakete (card piece). Kaya pag mas mataas ang total na NFTM na parametro ng lahat ng inyong mga Aktibong baraha sa parilya, mas mataas ang tsansa nyong manalo ng Piraso ng pakete.

● Dalawang beses sa isang araw, isang ala-swerteng manlalaro ay makakakuha din ng ala-swerte na NFT mula sa aming partnership pool (katulad ng naunang panuntunan, ang bunot na ito ay naka asa sa total na NFTM na parametro).

● Pwede ka na ding maka mina ng WAX!

Ang NBM Active team guess:

Habang ang Mining grid ay halos ala-swerte, ang Active team guess na laro ay nakasalalay sa istratehiya. Sa pinakasimple, meron kang 8 oras na bintana para ilagay ang NFT mo sa 4 na possibleng koponan (bawat isa dito ay nakapangalan sa isang token). Pwede mong paghiwahiwalayin ang iyong mga Aktibong baraha sa iba’t ibang koponan o pagsamasamahim mo sila sa isang koponan lang. Tapos ay mamimili ka ng ala-swerteng numero sa pagitan ng 0 at 99 at kailangang mong magbigay-bisa sa iyong napili na koponan (sa bawat isang koponan na sasalihan mo ay kailangan mong gawin lagi ang pagpili ng numero). Sa dulo ng 8 oras, dalawang proseso ang magaganap (para mas simple, ikonsidera natin na nilagay mo lahat ng iyong mga baraha sa isang koponan at isang ala-swerte na numero lang ang pinili mo):

Una, ang ala-swerteng number sa pagitan ng 0–99 ay pipiliin. Pagkatapos, ang pagitan ng numero na ito at ang numero na napili mo na kakalkulahin (tawagin natin ang pagkakaiba na to na ‘Reductor’). Kunwari, kung ang pinili mo ay 60 at ang ala-swerte na numero na napili ay 20, ang Reductor ay 60–20 = 40.

Pangalawa, isa sa 4 na ala-swerteng panuntunan ay mapipili at ito ang gagamitin sa pagkalkula sa lahat ng baraha sa bawat koponan. Ang 4 na posibleng panuntunan ay:

● Unang panuntunan: ang lakas (power) ng lahat ng iyong mga NFT sa koponan (halimbawa, kung naglagay ka ng 3 NFT na may 30 na lakas bawat isa sa koponan ng Actium, ang total na lakas mo sa koponan na ito = 90). Itong total na lakas mo ay mababawasan gamit ang halaga ng Reductor: 90 (total na lakas) bawasan ng 40 (Reductor) = 50. Sa huli, ang halaga na ito at hahatiin (divided by) gamit ang bilang ng baraha mo na nilagay sa koponan. Sa halimbawa na to ay 3 ang baraha na nilaga mo sa koponan ng Actium, ang pinaka huli mong Lakas ay: 50 / 3 = 16.67. Ang kontribusyon mo sa koponan ng Actium ay 16.67. Ang panuntunan na to ay pinaparusahan ang mga manalalro na maglalagay ng lahat ng kanilang baraha sa isang koponan lang.

● Pangalawang panuntunan: tulad ng unang panuntunan pero gamit naman ang halaga ng enerhiya (Energy value). Dagdag pa dito, ang “final pool” ay hahatiin gamit ang lahat ng bilang ng baraha sa koponan. Halimbawa: kung ang final pool ay 900 pero may 800 na baraha sa koponan, ang pinaka huling puntos ng koponan ay 900/800 = 1.12. Ang panuntunan na ito ay nagpaparusa sa mga koponan na may sobrang daming baraha.

● Pangatlong panuntunan: tulad ng unang panuntunan pero imbes na ibawas, ang Reductor ay dinagdagdag sa total na Lakas. Sa panuntunan na to, ang final pool ay hahatiin din gamit ang lahat ng bilang ng baraha sa koponan. Ang panuntunang ito ay pinapaboran ang mga koponan na may konting baraha at kaunting manlalaro.

● Pangapat na panuntunan: tulad ng pangatlong panuntunan pero gamit ang enerhiya. Sa panuntunang ito, ang final pool at hahatiin gamit ang total na dami ng manlalaro sa koponan. Ang panuntunan na ito ay nagpaparusa sa mga koponan na may madaming iba’t iba na manlalaro.

Ang nanalong koponan ay magkakamit ng 10,000 na tokens (hati hati ito sa lahat ng myembro depende sa kanilang kontribusyon) habang ang 3 natalong koponan ay may 2.000 token bawat isa (pareho ng prinsipyo sa distribusyon ng token). Kahit na ala-swerte ang implementasyon sa larong ito, ang pagkapanalo ay nakasalalay pa din sa istratehiya, deduksyon at maingat na pagsusuri ng bawat komposisyon ng bawat isang koponan bago gumawa ng kahit anong desisyon.

Sa huli, kahit anong palaro ang iyong pinili na laruin:

● Bawat pagikot ay may token na mapipili.

● Hindi mo kailangan na konektado or ilagay palagi ang inyong NFT sa bawat pagikot. Hanggang hindi mo inaalis ang mga ito, ang Aktibong baraha mo ay laging nanduon kung san mo man ito iniwan at patuloy na malalaro sa bawat na pag ikot.

● Lahat ng Aktibong baraha ay pwede mo lang magamit sa isang laro. Hindi mo pwedeng magamit ang parehong Aktibong baraha ng sabay sa 2 mumunting palaro.

● Mas madami pang aktibong pagmimina (mini games) ang mapapatupad sa mga darating na araw.

Inaasanahan namin na makita kayo sa susunod na artikulo kung saan ay tatalakayin natin ang matematika para mas maintindihan ang pinaka pangunahin proseso ng pagmimina.

Ang inyong koponan ng NBM

<Nakaraang Artikulo ; Bumalik sa Talaan ; Susunod na Artikulo>

--

--

NFT Battle Miners
NFT Battle Miners

Written by NFT Battle Miners

NFT Battle Miners: Your Portal to Arcadia! Mine, explore, and fight... the choice is yours!

No responses yet