PINAKAMALUPIT NA GABAY SA NBM, Artikulo 7: Paggalugad sa mekanismo ng pagmimina — Unang Parte: Lohika ng pagmimina
Mabuhay mga minero!
Oras na para talakayin ang matematika para mas maintindihan natin kung pano gumagana ang pagmimina. Pero wag mangamba! Gagawin natin ito ng paunti-unti, alang-alang sa kalinawan, hahatiin natin ang proseso ng pagmimina sa 2 parte: 1, ang aktwal na pagmimina at 2, ang pagsustento sa pagmimina.
Ang pinakaunang kailangan mong mong malaman sa pagmimina ay: hindi ka pwedeng magmina ng kayamanan at NFT nang sabay. Kailangan mong mamili. Pwede kang magmina ng kayamanan or ng NFT. Ang limitasyon na ito ay pangunahing nakasalalay sa istatehiya mo sa pagmimina.
Pangalawa, kung ang Lupain ay may marami sa 1 kayamanan, hindi mo pwedeng mamina ang lahat ng kayamanan ng sabay sabay. Kailangan mo lang mamili ng isa lang (at kailangan mong ayusin ang istratehiya mo nang naayon).
Pero, para mas mabuting mas maintindihan ang mga konseptong ito, kesa pumunta tayo sa mahaba at nakakatamad na istorya, tayo ay pupunta sa 3 halimbawa: Ang Mahusay, Ang Hindi Mainan at Ang Panalo!
Ang Mahusay:
Ang karaniwang manlalaro na gustong mag mina ng kayamanan. Meron lang syang konting Aktibong baraha (walang Konstruksyon) at naiintindihan kung pano gumagana ang laro:
● Ang Mahusay ay may floating isand (Rare level 1).
● Ang Lupain ay may Resource Mining Boost (RESM) na 6 ay may Size na 3.
● Ang Mahusay ay nagpasya na maglaro ng dalawang beses sa Lupain nya ng BM resources na NFT (Common Level 1), bawat isa ay may halaga na RESM 3
● Ang total na RESM na halaga ng aktibong NFT na nilaro sa Lupain na ito ay 6; (3+3)
● Paalala: ang Lupain ay may RESM na 6
● Ang lupain ay meron lang na Constructium na kayamanan
Dahil ang Lupain ay may RESM na 6, at ang total na RESM ng lahat ng Aktibong barasa sa Lupain na to ay 6, bawat oras, Ang Mahusay ay sa teorya ay makaka mina ng 36 na dami ng Constructium (6 x 6). Ganito na ito ka komplikado at hindi na hihigit pa dun. Ang namimina mo ay kapareho sa suma ng RESM ang lahat ng Aktibong baraha sa Lupain multiplikahin sa RESM ng Lupain.
Ang Hindi Mainan:
Ang karaniwang manlalaro na gustong mag mina ng kayamanan pero hindi naiintindihan kung pano gumagana ang laro:
● Ang Hindi Mainam ay may kaparehong Lupain tulad ng Ang Mahusay (Floating island Rare level 1)
● Meron pa syang mas madaming Aktibong baraha kesa sa Ang Mahusay
● Lahat din ng kanyang Aktibong baraha ay mas mataas ang Level: lahat sila ay Level 4
● Pero Ang Hindi Mainam ay hindi naiintindihan kung pano gumagana ang laro…
● Naglagay lang sya ng kung ano anong mga Aktibong baraha sa Lupain, bawat isa sa mga ito ay may RESM na… 1 lang
● Ibig sabihin na ang total na RESM ng lahat ng Aktibong NFT na nilaro sa Lupain na to ay 3; (1+1+1)
Dahil dun, Ang Hindi Mainam ay makakakuha lang ng 18 Constructium bawat oras (6x3). Sa konklusyon, habang nagmimina sa parehong Lupain tulad ng Ang Mahusay kahit may mas madami syang Aktibong baraha (at may mas mataas pang Level), Ang Hindi Mainam ay makakakuha ng kalahati lang kumpara sa Ang Mahusay.
Ang Panalo:
Ang isang expertong manlalaro na gusto talagang makamina ng kayamanan. Naiintindihan nya talaga kung pano gumagana ang laro. Mayroon syang madaming Aktibong baraha at 1 barahang pang Konsturksyon (Construction card).
● Ang Panalo ay may kaparehong Lupain tulad ng Ang Mahusay at ng Ang Hindi Mainan
● Mayroon syang halos kaparehong setup tulad ng Ang Mahusay
● Pero, meron syang barahang pang Konstruksyon na ‘Filtering tower’ (Common 1)
● Tulad ng nakita natin sa Artikulo 4, ang barahang pang Konstruksyon ay may sariling RESM (dito ay 1) at sariling Laki (size) (1).
● Dahil sa Laki na 1, ang barahang pang Konstruksyon ay magdadagdag ng isang ekstrang slot (kung saan Ang Panalo ay maglalaro ng isa pang BM resource na baraha) habang nagdagdagdag ng 5% na bonus sa pagmimina ng Constructium.
Ang total na RESM na halaga ng mga Aktibong NFT na nilaro sa Lupain ay 9 na; (3+3+3). Dagdag pa, salamat sa barahang pang Konstruksyon, ang Lupain ngayon ay may RESM na 7; (6+1; laging isaisip na ang RESM ng barahang pang Konstruksyon ay idadagdag sa RESM ng Lupain at hindi sa mga Aktibong baraha). Sa unang tingin, Ang Panalo ay dapat makakamina ng 63 na Constructium (9 x 7) bawat oras.
Pero, ang barahang pang Konstruksyon ay nagbibigay ng bonus na 5% sa pagmimina ng Constructium! Kaya, ang huling halaga ng mamimina ay 66 Constructium / oras (63 x 1.05). Pagkimumpara, kung Ang Panalo ay hindi nilaro ang kanyang barahang pang Konstruksyon, sya ay makakamina lang ng 54 Constructium / oras; (9 x 6).
Kung naintidihan mo na ang mga konsepto, wala nang dahilan para ipaliwanag kung pano mag mina ng NFT dahil… gumagana ito sa parehong paraan!
Ang probabilidad ng pagmimina ng NFT ay kapareho sa suma ng mga NFTM ng lahat ng Aktibong baraha sa Lupain multiply gamit ang NFTM ng Lupain (tapos ay hatiin ng 10000, para makuha ang huling halaga ng posyento). Halimbawa, Ang Hindi Mainan ay may 0.06% / oras na tyansa na makamuna ng NFT; (makikita mo ang operasyon sa taas lang)
Kung mananalo ka ng NFT, ang mga probabilidad na ito ay gagamitin:
Ang Baliw:
Dapat ay 3 lang ang halimbawa natin sa unang parte. Pero… lahat tayo nag nag mumumi-muni kung ano ang mangyayari kung maglalaro ka ng madaming magadang barahang pang Konstruksyon sa isang malakas na Lupain. Tingnan natin!
● Ang Baliw ay may pinaka magaling na Lupain: isang Ultimate na may laki na 4
● Meron din syang 4 na barahang pang Konstruksyon, lahat ay Ulitmate
● Pinili nyang laruin ang 4 na barahang pang Konstruksyon sa 4 na spot sa Lupain
● Ang Lupain nya ay wala nang libreng slot pero bawat isang barahang pang Konstruksyon ay may sariling laki: 3
● 3 spot sa bawat barahang pang Konstruksyon padamihin ng 4 na barahang pang Konstruksyon = 12 dagdag na slot
● Sa bawat isa na mga spot na un, Ang Baliw ay naglaro ng Ultimate mining album
● Salamat sa mga Aktibong baraha na mga un, ang lahat ng total REST at total NFTM = 168
● Sa huli, ang total RESM at NFTM ng bawat isang barahang pang Konstruksyon ay 28 at 36 ayon sa pagkakabanggit
Kaya, pag Ang Baliw ay nagdesisyon na magmina ng kayamanan, sya at dapat makakuha ng:
168 (Suma ng RESM ng mga Aktibong baraha) x 37 (RESM ng Lupain + RESM ng 4 na barahang pang Konstruksyon) = 6216 tokens / oras
Pag nagdesisyon sya na mag mina ng Mimium, makakakuha din sya ng 62% na boost (15.5% x 4 na barahang pang Konstruksyon) ibig sabihin ay 10070 tokens / oras
Sa Huli, pag nagdesisyon sya na magmina ng mga NFT, Ang Baliw ay may 75.6% na tsansya / oras na makakuha ng NFT.
Ang halimbawa na to ang magtatapos sa unang parte ng ‘Kabanata sa Pagmimina’. Laging ilagay sa pagiisip na lahat ng numerong ito ay teoretikal. Sa katunayan, sa loob ng larong NBM, parehong Aktibong baraha at barahang pang Konstruksyon ay pwedeng maapektuhan ng iba’t ibang parametro tulad ng kapaligiran subalit ito ay mangangailangan ng pagpapanatili.
Ito mismo ang makikita natin sa susunod na artikulo: Paggalugad sa mekanismo ng pagmimina — Pangalawang Parte: Ang pagpapanatili.
Ang inyong koponan ng NBM
<Nakaraang Artikulo ; Bumalik sa Talaan ; Susunod na Artikulo>