PINAKAMALUPIT NA GABAY SA NBM, Artikulo 8: Paggalugad sa mekanismo ng pagmimina — Pangalawang Parte: Ang Pagpapanatili
Mabuhay mga minero!
Sa nakaraang artikulo, naintindihan natin kung pano gumagana ang pagmimina. Ngayon, oras na para tingnan natin ang pagpapanatili (maintenance), isang systema na inaasahan na mapapatupad sa loob ng 20 araw.
Una, laging ilagay sa utak nyo na lahat ng mekanismo na ito ay nasa under development pa lang (ibig sabihin ay ang mga numero o konsepto ay pwede pang magbago).
Pangalawa, ang aspeto ng pagkalahatan na pagpapanatili (global maintenance) ay ipinakilala para:
● Mas gawing mas nakakapukaw ang laro! Sa halip na kailangan mo lang ilagay ang iyong mga NFT at maghintay lang (pasibong pagmimina) (passive mining), ngayon ay regular mo na dapat na inspeksyunin ang iyong mga kagamitan at iberipika na lahat ay tumatakbo ng maayos (aktibong pagmimina) (active mining).
● Mas magbigay ng mas malaking gantimpala sa mga aktibong minero! Mas aktibo ka sa paglalaro, mas malaki ang kikitain mo!
● Mas mapagbuti ang paggaya sa tutuong mga aktibidades habang nagmimina. Sa katotohanan, pag gumamit ka ng kagamitan, napupudpod iyon, napipinsala at minsan ay tuluyang nasisira.
● Pagtibayin ang tokenomics ng laro. Itong bagong mekanismo ay magpapakilala ng bagong insentibo para gamitin mo ang mga iba’t ibang token habang nag-stimulate ng mga iba’t ibang aparisyon nga mga iba pang dahilan para sa paggamit ng token (stimulating the apparition of new use cases).
● Limitahan ang pag gamit ng scripts, bots at iba pang kagamitan upang mandaya. Ang pagpapakilala ng mga bagong konsepto na to ay papahirapan ang mga mandaraya na makapagmina (at mapapaboran ang mga tapat na mga minero).
Ano nga ba talaga ang madadagdag?
Una, ang process ng pagmimina ay pauunlarin:
● Pag nagtatayo ng bagong minahan (halimbawa, pagpili ng Lupain, mga barahang pang Konstruksyon at ang mga Aktibong baraha), ang unang 2 pag ikot ng pagmimina ay mas konti ang kita. Sa simula ay kikita ka ng 50% at pagkatapos nun ay 75% ng normal mong kikitain. Bakit? Dahil ginagaya nito ang tunay na buhay na logistic, paghahanda at inisyal na nag set-up.
● Aabutin ng mga 20 minuto ang pag simula sa bagong minahan or pagtigil sa tumatakbo nang minahan. Bakit? Para magaya ang operasyon ng pagpunta mula sa base nyo (tawag ay HQ) papunta sa Lupain nyo. Ang tampok (feature) na ito ay gagamitin din mamaya sa mapa ng metaverse.
Sa buod: ang pagsisimula at pagtatapos ng operasyon ay kakain na ng oras at makakabawas sa kita mo. Kaya pinapayuhan namin kayo ng todo na maging maingat sa pagsuri ng inyong mga pagpipilian at pagdisensyo ng pinaka mainan na istratehiya sa pagmimina bago gumawa ng kahit anong desisyon.
Pangalawa, lahat ng inyong ari-arian (Aktibong baraha, barahang pang Konstruksyon, Lupain) ay maapektuhan ng pagmimina:
● Lahat ng inyong ari-arian ay meron nang sari-sariling tibay (durability)
● Habang nagmimina, bawat isang ari-arian mo ay may tyansa ito na mapinsala (tinatawag na partial break). Ang probabilidad nito ay nakadepende sa kasalatan (rarity) ng ari-arian kung saan ang pinaka pambihirang ari-arian (rarest assets) ay may pinakamababang tsansa na magkalaman (Common 9%; Ultimate 7%).
● Partial break sa isang partikular na ari-arian ay magpapababa ng tibay nito. Tuwing mangyayari ang pagkapinsala, ang NFT any mababawasan sa pagitan ng 8–12% nang tibay nito. Isa pa, mas madaming pinsala ang maiipon ng iyong ari-arian, mas konti ang magiging epekto dito ng mga susunod na pagkapinsala.
● Bagama’t, ang pagiging produktibo ng isang ari-arian ay naka depende sa tibay nito at pag mababa ang tibay na nito ay ibig sabihin ay mababa na ang ani nito. Halimbawa, ang NFT na may tibay na nasa 50% ay makaka mina ng kalahati lang kumpara sa parehong NFT na may tibay na nasa 100%.
Sa buod: habang nagmimina, bawat NFT ay may probabilidad na magka partial break na ibig sabihin, magdudusa ito sa pagbaba ng produksyon (RESM at NFTM ay bumaba). Ang mga pagbabago na ito ay para maging mahalaga sayo na regular na inspeksyunin ang setup mo at alagaan ang iyong mga ari-arian!
Ikatlo, para mapangalagaan mo ang iyong mga ari-arian, dapat ay kumpunihin mo ang mga ito:
● Mas pambihira ang gamit, mas mahal ang pagkumpuni dito.
● Magkakaron ka ng pagkakataon na mamili sa pagitan ng 2 uri ng pagkukumpuni: Sa base mo or Sa site
● Sa base mo: Kilangan mong itigil lahat ng operasyon para maibalik lahat ng ari-arian mo sa iyong HQ. Bawat 1% ng pagkukumpuni ay aabutin ng 10 segundo (may pinakamataas na dami ng oras ito na 16 minuto at 30 segundo). Ang uri ng pagaayos na ito ay uubos lang ng oras mo (una para itigil ang operasyon, pangalawa, para kumpunihin ang inyong mga NFT at pangatlo ay para masimulan mo ng maayos ang iyong operasyon; wag mong kalimutan ang unang parte ng artikulo na ito tungkol sa pagsisimula ng iyong pagmimina).
● Sa site: hindi mo kailangan na itigil ang operasyon! Pero ang uri ng pagkukumpuni na ito ay kailangan ng pagpaplano at kailangan mong gumastos ng kayamanan.
● Kailangan mo munang i-setup ang tamang bilang nang kayamanan na gusto mong ipadala ‘on site’ at dapat mong matandaan, bawat uri ng ari-arian ay pwede lang makumpuni gamit ang isang natatanging token (unique token). Actium para sa mga Aktibong baraha, Constructium para sa mga barahang pang Konstruksyon at Minium para sa mga Lupain.
● Pangalawa, ang pagpapadala ng mga kayamanan na un ay kailangan mong magbayad ng Fusium (para hawakan at dalhin ang mga kayamanan sa ‘on site’). Simple lang, ang dami ng fusium na kailangan = 1% ng total na halaga ng kayamanan na ipapadala mo. halimbawa, kung magpapadala ka ng 10000 na kayamanan, ang singil sayo ay 100 na Fusium.
● ‘On site’, para sa bawat isang NFT, ang gastos para sa pagkumpuni ito ay naka depende sa dami ng pinsala na tinamo nito at kung gano pambihira ang bahara. May iba pang natatanging parametro na maisasama sa ekwasyon na ito tulad ng Laki (para sa mga Lupain at barahang pang Konsturksyon) o enerhiya (para sa mga Aktibong baraha)
Sa buod: Bago magsimula ng pagmimina, isipin mo agad sa simula pa lang kung pano mo makukumpuni ang mga kagamitan mo. Sa base mo? Kailangan mong itigil lahat ng operasyon mo at magsasayang ka ng oras… ‘On site’ Walang masasayang na oras pero kailangan mong gumastos ng kayamanan at kailangan mo munang planuhin at magpadala ng tamang dami ng kayamanan na kakailanganin mo.
Panghuli, may isang huling panuntunan na ipapakilala para pahirapan ang mga pinakamalaking mga manlalaro:
● Sa mga baraha na lalampas sa 4 na nakalagay sa Lupain, bawat isang dagdag na baraha ay magdadagdag ng 12.5% sa ‘global probability of partial break’ (probabilidad na kakalat sa lahat ng baraha sa Lupain na yun). Sa maikling salita: mas malaki ang setup, mas mataas ang probabilidad na makakita ng mga partial break. Ang panuntunang ito ay pinakilala para maiwasan ang mga malalaking mga manlalaro sa pag-iipon ng sobrang daming mga kayamanan.
At… yun na yun! Pero wag kakalimutang under development pa rin ang mga ito. Pero, makakasiguro kayong, dito sa NBM, lagi naming binigigay ang aming makakaya para makagawa ng laro na patas, makatotohanan at masayang laruin| Sana ay makita namin kayo sa susunod na artikulo kung saan paguusapan natin ang sistema ng pag-level up.
Ang inyong koponan ng NBM
<Nakaraang Artikulo ; Bumalik sa Talaan ; Susunod na Artikulo>