PINAKAMALUPIT NA GABAY SA NBM, Artikulo 9: Pag level up ng inyong mga NFT!

NFT Battle Miners
5 min readOct 7, 2021

Mabuhay!

Nagbukas na ba kayo ng mga pakete at nakakuha mangilanngilang Common level 1? Oras na para ipa-level up sila!

Una, may mga kaunting bagay na kailangan nyong malaman tungkol sa pagpapalevel up ng mga NFT sa NBM:

● Pwede mong ipa-level up ang lahat ng uri ng mga baraha: Aktibo, Lupain, Konstruksyon

● Ang pagpapalevel up ay gagastos ng baraha or kayamanan or pareho

● Ang pagpapalevel up ay magpapalakas nang todo (at ang halaga) ng inyong mga NFT

● Pwede kang mamili sa pagitan ng 2 uri ng pagpapalevel up: Standard o purong level up

Magsimula tayo sa ‘standard’ na sistema ng pagpapalevel up:

Ang paggamit sa ganiting sistema ay nangangailan ng NFT at resources.

Una, pag-usapan natin ang gastos sa NFT. Bawat level up ay nangangailangan ng 2 NFT: 1) ang gusto mong ipalevel up at 2) parehong NFT pero mas mababa ng 1 level. Halimbawa:

● Pagpapalevel up muna level 1-> 2 ay laging may bayad na 2 Aktibong L1

● Pagpapalevel up muna level 2-> 3 ay laging may bayad na 1 Aktibong L2 (ang ung gusto mong ipalevel up) + 1 Aktibong L1 (mas mababa ng 1 level). Pag ginawa mo ang calculation, nagrerepresenta ito ng 3 Aktibong L1

● At saka pa hanggang makagawa ka ng L5 na ang bayad ay isang L4 + isang L3 (nagrerepresenta ng total na 8 L1)

Pakitandaan na itong ‘NFT cost’ ay hindi apektado ng kasalatan (rarity) (common, rare, etc.) ng mga baraha. Ang parehong sistema ay mag-a-apply kahit ano man ang kasalatan ng NFT.

Pangalawa: dagdag pa sa NFT, ang standard level up ay nangagailangan din ng kayamanan. Ang bayad ay nakadepende sa:

● Ang kasalatan ng NFT: ang mga Commons ay may factor 1; Rare: 2 etc, hanggang Ultimate: 5

● Ang level na gusto mong marating (sa pagitan ng 2 at 5)

● Ang uri ng barahang ipapalevel up: bawat uri ay nangangailangan ng sariling token (Actium para sa mga Aktibo, Constructium para sa Konstruksyon at Minium sa mga Lupain)

Ngayon na alam nyo na ang mga kaalaman na to, pwede mo nang mahulaan ang magagastos mo para sa bawat pagpa-level up sa paggamit ng pangkalahatan na pormula na to: 2000 x (factor ng kasalatan) x (halaga ng level up). Halimbawa:

Sa pagtatapos: ang standard level up ay laging may gastos sayong 2 NFT at mga kayamanan. Makikita mo lahat ng halaga at talahayanan (table) sa Roadmap sa NBM website. Kung ang ganitong klase ng pagpapalevel up ay hindi sakto sa kailangan nyo, pwede nyo ding subukan ang Pure level up na teknik.

Pure Leveling up:

Tulad ng nakita natin sa dating talata, ang standart level up na pamamaraan ay laging may gastos sa inyo na 2 NFT + kayamanan. Kung ayaw nyong mawalan ng kahit anong NFT, ang pure level up na pamamaraan ay ginawa para sayo!

Pinakasimple, kailangan mo lang ng isang NFT pero madaming mga kayamanan! Ang pormula ay katulad sa standard level up pero mas mataas ng 4 (para sa Aktibo) o 40 (Lupain / Konstruksyon) na beses na mas mahal:

Sa buod, ang standard level up ay nangangailangan ng 2 NFT at ilang mga kayamanan. Ang Pure Level up ay nangangailangan lang ng 1 NFT pero 4 hanggang 40 na beses mas mahal kesa sa standard level up.

Ngayon, malamang iniisip nyo kung ano na ang mangyayari sa Common ko pag naging level 5 na? May paraan ba parang tumaas ang kasalatan nito o pano itong mas maging pambihira? Ang sagot ay OO, FUSION!

Ang fusion ay isang proseso na under development pa, dadaanan lang natin sya nang mabilis. Paikliin na lang natin, magkakaron ng 2 uri ng fusion:

Predefined fusion: mamimili ka lang at susundin ang binigay na resipe (may listahan ng mga iba’t ibang posibleng resipe para makuha mo ang gusto mo). Bawat resipe ay mangangailangan ng partikular na NFT at kaunting Fusium (ang pormula para madetermina ang gastos sa Fusium ay katulad ng ginagamit sa pagdetermina ng gastos sa standard level up). Isa pa, ang Predefined fusion ay may isa lang na kakalabasan (ang baraha na gusto mong magkaron ng mas mataas na kasalatan [higher rarity]),

Ala-swerte fusion: tulad ng pure level up, ang uri ng fusion na to ay mas konti ang gastos sa NFT, pero mas kailangan na gumastos ng mas madaming kayamanan. Simple lang, ang Ala-swerteng fusion ay nangangailangan lang ng 2 magkaibang NFT na pareho ang kasalatan (same rarity) (halimbawa, BM Sticker R5 at Mining Album R5). Pero, kailangan ay lagyan mo ng mas madaming Fusium ang resipe para mapunan ang kakulangan ng NFT. Dagdag pa, hindi mo kontrolado ang resulta ng ala-swerteng fusion: makakakuha ka ng isang mas mataas na kasalatan ng baraha mula sa 2 magkaibang uri ng baraha na ginamit mo (sa halimbawang ito, 50% tyansa na makakuha ka ng BM Sticker E1 or 50% na tyansa na makakuha ng Mining Album E1).

Bilang konklusyon:

● Level up = dagdag ng level ng NFT

● Fusion = dagdag ng kasalatan ng NFT

● Parehong Level up at Fusion ay nagbibigay ng 2 pagpipilian: ang una ay kakain ng NFT at kayamanan (Standard Levle up / Predefine Fusion), ang pangalawa ay kakain ng mas madaming kayamanan (Pure Level up / Ala-swerteng Fusion)

Predefined fusion: siguradong alam mo ang makukuha mo; Ala-swerteng fusion: 2 ang pwedeng kalabasan.

Ang eksplanasyong ito ang magtatapos sa artikulo tungkol sa pag level up. Inaasahan namin na makita kayo sa huling artikulo sa serye na ito: ang mga pinakamadalas na mga tanong.

Ang inyong koponan ng NBM

<Nakaraang Artikulo ; Bumalik sa Talaan ; Susunod na Artikulo>

--

--

NFT Battle Miners
NFT Battle Miners

Written by NFT Battle Miners

NFT Battle Miners: Your Portal to Arcadia! Mine, explore, and fight... the choice is yours!

No responses yet