PINAKAMALUPIT NA GABAY SA NBM, Artikulo 10: Ang mga pinakamadalas na mga tanong.
Sa mga nakaraang mga artikulo, madami tayong mga tinakalay na mga mahahalagang mga konsepto para maintindihan ang larong NBM. Alam naming siguradong madami pa din kayong gustong itanong. Ito ang dahilan, na dito sa huling artikulo na ito, titingnan natin ang mga pinakamadalas na mga tanong:
Ano ang NBM? Ang NFT Battle Miners ay isang makabagong larong naka base sa Wax blockchain. Sa larong NBM, pwede kang magmina, lumaban, magkaron ng sariling Lupain at i-customize ang mga ito!
Bago pa lang ako, san ako dapat magsimula? Dito lang :)
Pano ako makakakuha ng NFT ng NBM? Pwede mong bilhin ang mga yun (opisyal na sales, secondary markets) o mapanaluhan ang mga iyon sa aming Discord server (Pakibasa ang aming artikulo tungkol sa Discord at kung pano nyo mapataas ang tyansa nyong manalo!)
Pano ako makakasali sa Discord nyo? I click nyo lang ito :)
Pano akong magiging aktibong minero? Lahat ay pinaliwanag sa artikulo na ito.
Pano ko ma-i-link ang Wax wallet ko sa Discord? Lahat ay pinaliwanag dito (naglagay pa kami ng mga imahe!)
Ano ang pagkakaiba ng Stickers at Aktibong baraha? I-click nyo ito, maiintindihan nyo yun sa loob ng 15 segundo.
Ano ang mga kapitalista (investors)? Ang mga kapitalista ay ang mga manlalaro na may hawak na 10 na ari-arian na ‘pwedeng malaro’ sa NBM (Pwedeng malaro = Aktibong baraha [Actives], Lupain [Lands] o barahang pang Konstruksyon [Constructions]). Ang mga Sticker, mga paketeng sarado pa at mga piraso ng baraha (card pieces) ay hindi binibilang.
Ano ang lamang ng pagiging isang kapitalista? Ang mga kapitalista ay magkakaron ng access sa mga bentahan (pribadong bentahan).
Pano gumagana ang bentahan? Ang bentahan sa NBM at nakasalalay sa isang natatangi at makabagong sistema kung saan ang mga ari-arian na binebenta ay nahahati sa 2 pools: ang Pribadong Bentahan (para sa mga kapitalista) at Pampublikong Bentahan (para sa lahat).
Ano ang Pribadong Bentahan? Ito ay isang natatanging bentahan kung saan na ang mga kapitalista lang ang pwedeng sumali. Ang pinaka malaking lamang nito: mayroong sapat na pakete sa bawat kapitalista! Isang oras bago ang bentahan, bawat isang kapitalista ay makakakuha ng 1 Tiket sa bawat 10 Pwedeng Malaro na ari-arian (Aktibong baraha, Lupain o barahang pang Konstruksyon) na meron sila. Halimbawa:
● 3 Pwedeng Malaro na ari-arian = 0 Tiket (Hindi ka kapitalista)
● 10 Pwedeng Malaro na ari-arian = 1 Tiket
● 19 Pwedeng Malaro na ari-arian = 0 Tiket
● 21 Pwedeng Malaro na ari-arian = 2 Tiket etc.
Bawat Tiket ay nagbibigay sayo ng kakayahan na bumili sa loob ng 24 oras ng tig-i-isang unit ng iba’t ibang pakete (at uulitin namin, may sapat na pakete sa bawat kapitalista). Pag natapos na ang 24 na oras, lahat ng di nagamit na Tiket ay ala-swerteng maibibigay sa mga ibang kapitalista na nag-apply na sumali sa pangalawang pag ikot (second round).
Ano ang Pampublikong Bentahan? Kabaligtaran sa pribadong bentahan, sa pampublikong bentahan: paunahan ang pagbili (malamang ay hindi sapat ang pakete para sa lahat). Ang bentahan na ito ay nakasalalay sa 3 level kung saan ang mga Aktibong minero ang mauunang pwedeng bumili, tapos ang mga Wax-linked na minero at sa huli ay lahat na. Tandaan: meron na 30 minuto na cooldown para sa bawat mamimili.
Kelan ang main sale? Friday, October 1, 6PM UTC
Anong mangyayari kung buksan ko ang pakete habang hindi lahat ng ari-arian sa NBM ay naisawalat na? Pag nagbukas ka ng pakete, ang NFT na makukuha mo ay manggagaling sa pool na naglalaman ng lahat ng pwedeng makuhang mga NFT. Kung ang NFT ay di pa naisisiwalat (revealed), hindi mo pwedeng makuha un. Kung magdedesisyon ka na maghintay sa NFT hanggang maisiwalat ito bago mo buksan ang pakete mo, ngayon ay may tyansa ka nang makuha ito.
Magkano ang magiging presyo ng mga NFT ng NBM? Walang nakakaalam. Ang mundo ng crypto ay madalas nagagatungan ng espekulasyon, imposible na mahulaan ang magiging presyo ng isang ari-arian.
Legit ba ang NBM? Ang NBM ay kasalukuyang dine-develop ng United IT Development Corp., isang kumpanya na may malawak na saklaw ng internasyonal na mga ekspert na ang nais na mangyari ay maka-develop ng high-quality na produkto sa iba’t ibang lugar sa IT.
Kelan ako pwedeng magsimulang maglaro? Pwede ka nang maglaro ngayon! Natatanging feature tulad ng PvP, map metaverse ay ipapakilala sa madaling panahon.
Salamat sa pagbasa ng gabya na ito.
Ang inyong koponan ng NBM